Sa Harap ng Tuluyang Paglaho, Pagtatanggol ng Buhay (Filipino)
Ang pelikulang ito ay magkasamang-paglikha ng LifeMosaic, at ng maraming katutubong lider, mga taga-gawa ng pelikula at ang mga tapagpayo mula sa Africa, Asia, South America at Polynesia. Sa Harap ng Tuluyang Paglaho, Pagtatanggol ng Buhay ay kwento ng mga banta sa biodoversity, climate emergency, at ang mabilis na pagkasira ng samu't-saring kultura: isang magkakaugnay na kuwento ng paglaho mula sa mundo, na ngayon ay banta sa buhay ng sangkatauhan. Maririnig natin mula sa mga katutubong lider sa buong mundo na ngayon ay kumikilos at bumubuo ng mga solusyong pinangungunahan ng mga katutubo bilang sagot sa mga krisis. Ito ay tawag sa lahat para hanapin ang mga daan tungo sa makakapanibagong-lakas, masaganang kinabukasan, at para maging inspirasyon sa sama-samang aksyon para ipagtanggol ang mundo. Ang pelikula ay binuo para sa mga katutubong manonood, bilang isang gamit para sa mga community facilitators, educators at taga-pagbuo ng mga pagkilos. Inaasahang kapag nasa kamay nila ang impormasyon, ang mga komunidad ay mas makakaunawa sa mas pang-daigdigang konteksto ng pag-aalaga, pagpapatatag at pagpapahayag ng kanilang samu't sari at nakakapagpanibagong-lakas na kultura at mga lupaing ninuno.